Ipikit ang mata, tsaka mo makikita

  1. Haplos sa bulag na nakakakita, bulag ang mulat na nakakadama.
  2. Nang ang budhi’y dinungisan, nagkaron ng kaalaman sa kahon ng kaunlaran
  3. Ipasok mo ng madiin sa masikip nadaluyan. Hanapin, kilitiin, ang dilim ng kalangitan upang ang lagkit ay makamtan
  4. Hagkan mo ng mahigpit, mapanlarong buhay! Upang kung ako’y iyong bitawan, mahilo sa hubad kong katawan.
  5. Umagang naglalaho sa iyong pagbagsak, gabi na yumayapos sa aking paghawak.
  6. Ulap na binuhay ng damdamin, pag napuno’y di iyakin, pag tinanong hindi aamin.
  7. Paglapit sa katapusan ang siyang kabuhayan, kabuhayang nagwakas sa kinabukasan.
  8. Pinagsimulan ng katotohanan, isang kasinungalingang nagbigay katarungan.
  9. Pumawi sa anghang, sa pait, sa galit. Pumawi sa init na bumalot ng pilit.
  10. Umupo si itim, lumabas si pula, ayan na si puti, hindi Makita-kita.
  11. Walang muka ngunit nakikita, walang hugis ngunit nadarama.
  12. Sa pusod ng karagatan, iyong matatagpuan, pansamantalang tirahan na babalik balikan.
  13. Si nene nanganak ng libo, hindi nagsilisan, nagmistulang anino.
  14. Bulkan sa hilaga, isang trumpetang mahiwaga.
  15. Ilusyong rumaragasa sa aking dugo, Ibon kang lumilipad sa kalawakan, Apoy na lumiliyab sa aming mga puso, Bulaklak kang mabubuhay magpakailanman.
  16. Ako ang may hawak, ikaw ang may ari. Kunin mo at mamamatay, mansanas kong ‘di kayang ibigay.
  17. Pakpak kong iisa, liparin mo’t ‘di papalya. Pag nahulog ako’y walang kwenta.
  18. Sa kawalan ikaw ang makikita, nakakatakot, nakakatuwa. Hindi kayang takbuhan, hindi mo maiwan. Minsa’y magtago man, palagi paring nandyan pagkat walang simula’t walang katapusan.
  19. Binalot mo ng iyong presensya ngunit ‘di ka madama, ‘di rin makita. Hindi ka maulit, di mahintong pilit, isang singsing na hindi magupit.
  20. ‘Wag mong nakawin, huwag mong kunin. Kusa kong ibibigay, kusa kong iaalay. Munti kong binhi ng buhay.

  1. Hangin
    2. White Board/Board
    3. Kulangot
    4. Turumpo
    5. Talukap
    6.Unan
    7. Sigarilyo
    8. Alamat
    9. Tubig
    10. Usok
    11.Tubig
    12. Pepe
    13. Buhok
    14. Bibig
    15. Kalayaan
    16. Puso
    17. Pamaypay
    18. Dilim
    19. Oras
    20. Puri
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s