Ang Babae sa Bundok

Noong unang panahon, nang dayuhan pa ang konsepto ng pag-ibig sa mga tao, mayroong isang nayon na tinawag na Luwalhati. Pinaniniwalaang dito raw matatagpuan ang pinakamataas at kasindak sindak na bundok sa buong kalupaan: ang Bundok Irog. Ayon sa mga taga Luwalhati, sa tuktok daw ng bundok, sa ibabaw ng mga ulap ay may nakatirang dalaga. Walang nakakaalam ng kanyang pangalan o kung paano at bakit sya naroon. Wala rin naman kasing nangahas na lumapit sakanya sapagkat walang may lakas ng loob na salubungin ang kapahamakang dulot ng matarik na Irog.

Dilikado ang bundok na ito dahil sa mga bagay na hindi maintindihan ng tao. Kaya naman ang takot na bumalot ay nagbunga ng isang utos: Bawal akyatin ang bundok Irog. Galak itong sinunod ng mga taga baryo, nakikipagsigawan nalamang sila sa dalagang di masilayan. Tinawag din nila ang dalaga na Maria upang magkaron ng pangalan ang babae sa bundok. Sa tinagal ng panahon, ang boses na sentro ng misteryo at usapan ay unti-unting naglaho.

Isang araw, nayanig ang kapayapaan ng mga nakatira sa Luwalhati. May halimaw na nanggulo at kumain sa puso ng karamihan, ang walang awang Pighati. Siya, na balon ng mga luha, ay nagdudulot ng krimeng matindi pa sa hagupit ng bagyo at parusang masahol pa sa kamatayan. Narinig ng dalaga sa bundok ang iyak at pagsusumamo ng mga taga nayon ngunit hindi na sya makasigaw, ubos na ang boses na puno ng pag-asa. Hindi rin siya makaalis sa kulungang naging tirahan upang harapin ang halimaw na minsan niya nang tinakasan. Mas lumakas ang tinig ng mga tao sa baba at sa bawat paglakas ay siya ring pag pundi ng ilaw sa kanilang mga mata. Gustong gusto na ng dalaga tumulong sa kanila kaya nilusob niya ang peligro ng Irog. Tinalo niya ang mababangis na hayop ng sakripisyo na humihigop sa tapang ng kahit sino at natagpuan ang tapang katumbas ng isang daang nilalang.

Pagbaba ng bundok ay dali dali niyang sinakluban ng mahiwagang tela, mula sa puno ng pag-asa, ang ulo ng halimaw at nang nahirapan na itong huminga, nangakong hindi na siya manggugulo. Pinabalik ng dalaga ang mga pusong kinain sa mga may ari nito upang hindi ihatid ang halimaw sa kamatayan. Binitawan ng dalaga si Pighati at pinanood habang tumatakbo palayo. Humarap siya sa mga tao at nagpakilala “Hindi ako si Maria! Ako ay si Ibig.” Naghiyawan ang mga tao at kailan man hindi na dinalaw ni Pighati ang nayon at kahit sinong nakakakilala kay ibig. Nawala narin ang takot sa Irog at inaakyat na nila ito ng may tapang, hinaharap narin nila ang sakripisyo ng may dangal. Naging kaibigan ni Ibig ang sakripisyo at hindi na muli nabalot ng takot.

Dahil sa kabayanihang ipinamalas ni ibig at sa kwentong bukambibig ng marami, napalitan ang nag iisang utos sa Nayon Luwalhati: Bilang karangalan sa kadakilaang ipinakita ng dalaga, ano mang Pag gaya sa gawain o humalintulad man lang sa ginawa ni Ibig na may kaakibat na tapang at sakripisyo ay tatawaging Pag-Ibig. Lumipad ang kwento sa iba’t ibang lugar at di naglaon sinunod narin ng lahat ang utos na dapat ay sa Nayong iniligtas lamang. Namunga ang pangalan ng dalaga at nagbalik ng puso sa mga taong biktima ni Pighati at ng kanyang mga ka-uri.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s